Pinagkalooban ng parole ang isang boxer halos isang linggo matapos na masungkit nito ang South American title sa nilahukan nitong laban sa loob ng kulungan.
Nitong nakaraang linggo nang ma-knockout ng 31-year-old na si Richard “Panther” Moray ang Brazilian na si Carlos “Caolho” Santo de Jesus.
Ayon sa mga boxing officials ng Paraguay, bunsod ng tagumpay na ito ni Moray ay kanyang naibulsa ang super welterweight title ng South America.
Nitong Huwebes nang bigyan ito ng korte ng conditional release sa bilangguan.
Inatasan din ito ng hukuman na maging coach ng boxing para sa mga preso sa kabisera ng Paraguay para sa kanyang community service.
Noong 2012 nang makulong si Moray dahil sa aggravated robbery, bukod pa sa pagkakadawit nito sa iligal na droga. (AP)