-- Advertisements --

Nagpositibo sa coronavirus ang paralegal officer ng pinatay na peace consultant na si Randall Echanis.

Matapos kasi na makalaya noong Agosto 18 ay agad na sumailalim si Pao Colabres sa swab test at nitong Lunes ay lumabas na nagpositibo ito sa COVID-19.

Ayon sa abogado nito na Atty. Sol Taule, na asymptomatic ito at kasalukuyang naka-isolate na.

Inaresto si Colabres noong Agosto 11 dahil umano sa obstruction of justice sa kung sino ang dapat kumuha sa bangkay ni Enchanis.
Matapos na makapagpiyansa ng P36,000 noong Agosto 18 ay nakalaya na ito.

Inakusahan naman ng Anakpawis ang kapulisan kaya nagkaroon ng coronavirus si Colabres.