Ipinag-utos ni newly-installed AFP Chief-of-staff Lt.Gen.Noel Clement ang parallel investigation hinggil sa “hazing o maltreatment” controversy sa PMA.
Inatasan ni Clement ang Inspector General ng AFP na si Lt. Gen. Antonio Lim para pangunahan ang gagawing imbestigasyon.
Kasalukuyang nasa PMA na ngayon si Lim para imbestigahan ang insidente.
Nais mabatid ni Clement kung ano na ang nangyayari sa loob ng akademiya matapos ang insidente ng hazing na naging dahilan sa pagkasawi ni 4CL Darwin Dormitorio.
Bukod kay Dormitorio may tatlo pang kadete ang naka confine sa hospital, dalawa dito sa V Luna Hospital sa Quezon City habang ang isa ay nasa St lukes,Global City.
Sinabi ni Clement, walang kuneksiyon ang kaso ni Dormitorio sa tatlong kadete na nagpapagaling na ngayon sa hospital.
Tukoy na rin nila ang mga sangkot na kadete na suspek sa pagmamaltrato sa mga plebo subalit tumanggi si Clement na pangalanan ito.
Ang magiging resulta sa gagawing imbestigasyon ng Inspector General ay gagawimg basehan para sa gagawing pagbabago sa PMA.