Kasunod ng naging closed door meeting nina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Paul M. Gutierrez, inatasan na umano ng DOJ Secretary ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng parallel investigation, ukol sa pamamaslang kay broadcaster Cresenciano Cris bunduquin.
Ayon kay Gutierrez, layon ng parallel investigation na mapabilis ang pagresolba sa kaso, kasama na ang pagkakatukoy sa iba pang posibleng sangkot sa nasabing pamamaslang.
Sa pamamagitan din aniya ng parallel investigation ay maiiwasan na ang posibilidad ng whitewash sa nasabing kaso.
Bagaman si gutierrez ay nasa ilalim ng Office of the President, direkta rin itong nagre-report kay Secretary Remulla at Presidential Communications Office (PCO) Secretary Atty. Cheloy Garafil, na kapwa co-chair ng PTFoMS.
Kung maalala, naunang iniulat ng PTFoMS na bukod sa gunman na si Isabelo Lopez Bautista, mayroon pa umanong 3 personalidad sa Mindoro na isinasangkot sa pagpaslang kay Bunduqiun.
Kabilang dito ang isang police major na naka-assign sa PRO4-B (Mimaropa) Police Office, isang provincial official na umano miyembro ng isang bigtime operator ng peryahan, at iba pa.