-- Advertisements --

Nakalaya na matapos mabigyan ng parole si paralympian Oscar Pistorious.

Nakulong si Pistorious sa South African Jail ng halos 11 taon dahil sa pagpatay sa nobyang si Reeva Steenkamp.

Kinumpirma ng kampo ng 37-anyos na atleta na nakauwi na ito sa kaniyang bahay matapos na masilbihan ang mahigit na kalahati ng kaniyang 13 taon na hatol.

Magugunitang noong 2013 ng mabaril nito ang nobya sa labas ng kaniyang bahay.

Depensa naman nito na napagkamalan na magnanakaw ang nobya at noong 2015 ng hatulan siya ng 13 taon na pagkakakulong.