-- Advertisements --
PARALYMPIC HA JAE HUN 2

Hinahangad ng South Korean Paralympic South Korean athlete na si Ha Jae-hun na masungkit ang gintong medalya sa Paralympics game na gaganapin sa susunod na taon.

Naputol ang kanang paa ni Jae-hun sa edad na 21 matapos nitong maapakan ang isang landmine na nakalagay sa Demilitarized Zone (DMZ) na nagsisilbing boarder sa pagitan ng North at South Korea.

Kwento ng atleta, nag-volunteer umano ito na pamunuan ang early morning patrol. Nauna siyang pumasok sa entry gate ng DMZ at dito na raw nangyari ang isang bagay na bumago sa kaniyang buhay.

Umaasa si ang dating South Korean staff sergeant na maiuuwi nito ang Paralympic gold dahil sa kaniyang rowing skills na natutunan nito sa rehabilitation center.

Ayon kay Ha, nakaramdam siya ng relaxation matapos ang kaniyang unang subok sa pamamangka. Sinisigurado rin nito na naka-focus siya sa ilog at hindi niya hinahayaan ang kahit anong bagay na maaaring makagulo sa kaniyang pag-iisip.

Gamit ang kaniyang prosthetics legs, natutunan muli ni Ha na maglakad sa kabila ng hirap na kaniyang pinagdaanan.

Umalis ito sa military noong Enero saka pumasok sa para rowing team kung saan ilang beses na itong nanalo sa mga national at global competitions.

Sa kabila ng pagiging baguhan sa naturang sports, buo ang loob ni Ha na makakakuha ito ng spot para sa Tokyo games at makapag-uuwi ng gold medal sa 2024.

“It was my first race last year. I had no skills, nothing but physical power, but I won. It was absolutely thrilling, I was like, ‘this is it’,” saad ni Ha.