Inanunsiyo ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez na mayroon silang bagong sistema para mapadali ang aplikasyon ng building permit sa kanilang lungsod.
Ayon sa alkalde na ang nasabing sistema ay mula sa Office of Building Official (OBO).
Dagdag pa ng alkalde na ang pagpapagaan ng aplikasyon ng building permit sa lungsod ay isang paraan para makaakit ng mas maraming investor na magdadala ng negosyo at trabaho sa lungsod.
Aminado ito na nagkaroon ng delay sa pagpapalabas ng building permit dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic pero ang kanilang Office of Buidling Official ay nakapag-isyu ng 7,500 permits noong 2019.
Naghahanda na sila ng online-transactions at pagsasagawa ng one-stop shop para mapadali ang application ng building permits sa pagsasagawa ng negosyo sa lungsod.
Sinabi pa ng alkalde na ang pagsasagawa ng online transaction ay makakatulong sa mga building officials para madaling maka-evaluate, process at makapagsagawa ng monitoring para mapabilis ang pagpalabas ng permit.
Sa ganitong paraan ay mayroong pagpipilian ang mga applicants sa nais nila gaya ng online processing o ang pagbisita sa one-stop-shop na kanilang itatayo.