-- Advertisements --

Namahagi ang Paranaque City Government ng mga home care kits para sa mga residente nila na dinapuan ng COVID-19.

Ayon Paranaque Public Information Office na ang home care kits ay kinabibilangan ng mga face mask, alcohol, disinfectants, thermometer, oximeter, bar soap, paracetamol, lagundi capsule at vitamin c.

Bukod sa mga dinapuan ng COVID-19 ay nakatanggap din ang mga kasalukuyang nasa home quarantine.

Pinangunahan ng mga barangay officials kasama ang Barangay Health Emergency and Response Teams ang namahagi ng nasbing home care kits.

Bukod sa pamamahagi ng nasabing mga home care kits ay patuloy din ang ginagawang pamimigay ng impormasyon sa mga mamamayan nila para maiwasang madapuan ng COVID-19.

Sa kasalukuyan ay mayroong 1,468 na aktibong kaso kung saan umabot na sa 41,102 ang gumaling na habang mayroong 757 ang nasawi.