Napiling maging host ang lungsod ng Paranaque sa seremonya ng last quarter nationwide simutaneous Earthquake Drill sa darating Nobyembre 10.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na sa oras ng alas-nuebe ng umaga ay isasagawa ng pagpindot at sabay na pagtunog ng sirena bilang hudyat ng drill at sa pagsasagawa ng “Duck, Cover and Hold”.
Titignan ng NDRRMC ang kahandaan ng Tsunami contingency plan ganun dina ng evacuation procedure sa mga fishing community.
Bahagi rin dito ay makikita ang pagtatanghal ng Water Search and Rescue at Air Rescue Capabilities ng Philippine National Police Maritime Group, Philippine Coast Guard, at Philippine Air Force.
Bahagi rin ito ng pag-obserba ng “World Tsunami Day” sa Nobyembre 5.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na isagawa ng face-to-face na drill mula ng magkaroon ng pandemiya na dati ay sa pamamagitan ng online o livestreaming lamang.