Nagpatupad ng mga pagbabago ang city government ng Paranaque lalo na para sa mga negosyante.
Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, magpapatuloy pa rin ang curfew mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-4:00 ng umaga.
Hindi na rin daw kailangan ang home quarantine pass sa mga lalabas.
Mayroong inilaan din na oras sa pag-operate ng mga negosyo halimbawa sa mga sari-sari stores, palengke, talipapa ay mula 6:00 a.m.- 6:00 p.m., dining/restaurant 6:00 am- 11:00 pm habang ang delivery ay hanggang 24 oras habang ang lahat ng mga business establishment ay mula 6:00 am – 11:00 p.m.
Ginawang 50% na rin ang capacity ng mga dine-in services.
Tanggal na rin ang ipinapatupad na liquor ban subalit maaaring makabili ng alak mula 6 ng umaga hanggang 11:00 pm.
Mahigpit din ang paalala ng city government na dapat sumunod ng health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at pag-fill up ng tracing form.