-- Advertisements --

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Paranaque City ang school-based deworming month campaign sa Baclaran Elementary School Central. 

Ayon kay Mayor Eric Olivarez, 80 estudyante mula kindergarten hanggang grade 2 ng nabanggit na paaralan ang lumahok sa mass deworming o pagpupurga. 

Layon daw ng programa na tumaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pagpupurga sa mga bata. Nakatutulong daw kasi itong mapanatiling malusog ang pangangatawan ng mga bata at maprotektahan laban sa helminthiasis. 

Namigay rin ang Paranaque LGU ng mga hygiene at oral kits sa mga estudyante pagkatapos ng deworming activity. 

Ang naturang programa ay pinangunahan ng Paranaque City Health Office katuwang ang Department of Health at DepEd Schools Division Office of Paranaque.