Inanunsiyo ngayon ng national head coach ng Gilas Pilipinas na si Chot Reyes ang pagdaragdag sa training pool ng ilan pang amateur stars.
Ginawa ni Reyes ang pahayag sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, isang araw matapos ang pulong kay PBA Commissioner Chito Narvasa at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio.
Kabilang sa bagong miyembro ng national squad ay sina Kobe Paras, Kiefer Ravena, Raymar Jose, at Fil-German Christian Standhardinger.
Chot Reyesâ€
“Gilas resumes practice June 20 & we’re calling in Jio, Mike, Almond, Ed, RR, Matt, Von, Kev, Carl, Mac, Fonz, Kief, Reymar, Kobe & Christian to action”
Sinasabing sorpresa ang pagkuha sa 6-7 na si Standhardinger, isang professional player na nakabase sa Germany matapos maglaro sa US NCAA sa ilalim ng University of Nebraska-Lincoln at University of Hawaii at Manoa.
Kinumpirma naman ng SBP na ipinadala na nila ang eligibility papers ni Standhardinger sa FIBA para hingin ang pag-apruba.
Sa Hunyo 20 muling babalik sa ensayo ang Gilas upang paghandaan ang FIBA Asia Cup at Southeast Asian Games ngayong taon.
Liban sa mga PBA veterans na bahagi ng Gilas na sina June Mar Fajardo, Calvin Abueva, Jayson Castro, nandiyan din sina Matthew Wright, Von Pessumal, Kevin Ferrer, Jio Jalalon, Almond Vosotros, Mike Tolomia, Ed Daquioag, Carl Byan Cruz, Mac Belo, RR Pogoy at Fonz Gotladera.