-- Advertisements --
Minaliit lamang ng American distributor ng pelikulang “Parasite” ang naging banat ni US President Donald Trump.
Binatikos kasi ng US President ang organizers ng Film Academy Award o Oscar’s award dahil ang naipanalo nila ay ang nabanggit na pelikula mula sa South Korea.
Pinagtakahan kasi ni Trump kung bakit nanalo ang nasabing pelikula dahil mayroon silang trade problems ng US.
Sa pahayag naman ng Neon company ang distributor ng nasabing pelikula, sinabi nito na malinaw na hindi marunong magbasa ang US President dahil sang pelikula ay mayroong subtitle.
Magugunitang sinabi ni Trump na mas maganda pa sana ang mga pelikula ng gawa noon gaya ng “Gone With The Wind”, “Sunset Boulevard” at ilang magagandang pelikula.