Iniuwi ng South Korean dark comedy thriller na “Parasite†ang pinakamataas na parangal sa katatapos na 72nd Cannes Film Festival.
Ayon sa direktor ng nasabing pelikula na si Bong Joon-ho, nirerespeto nito ang mga pelikula na tumatalakay sa mabibigat na political issues pero mas pinipili nitong haluan ng humor o katatawanan.
“While they’re laughing I want them to be hit like a hidden blade behind their pocket when they’re not expecting it,†ani Bong sa isang panayam.
Patungkol ang “Parasite” sa social class dynamics.
Nabatid na si Bong ang first ever Korean nakasungkit sa top prize ng nasabing prestihiyosong film festival sa France.
Gayunman, nakilala na siya sa kanyang Netflix-produced film na “Okja†noong 2017.
Samantala, tinanghal bilang best actress ang British-American na si Emily Beecham para sa drama film at psychological Sci-fi na “Little Joe.”
Habang ang best actor ay si Antonio Banderas ng Spain, para sa “Pain and Glory” na istorya ng isang film director na nahaharap sa middle age at creative crisis.
Usap-usapan naman ang pagiging kulelat ng “Once Upon a Time in Hollywood” ng US director na si Quentin Tarantino lalo’t una na itong nakatanggap ng magagandang reviews.
Kung maaalala, naging bahagi ng Cannes Film Festival ngayong taon ang Pinoy feature film na “Ang Hupa†na pinagbibidahan nina Shaina Magdayao at Piolo Pascual.
Itinampok sila sa Quinzaine des Réalisateurs o Directors’ Fortnight kung saan umani umano ng standing ovation mula sa audience pagkatapos ng world screening.
Noong 2016 naman ay gumawa ng kasaysayan si Jaclyn Jose bilang pinakaunang Pinay na nanalong best actress sa Cannes Film Festival.