-- Advertisements --

Sumakabilang-buhay na ang Korean actor na si Lee Sun-Kyun, na isa sa mga bumida sa Oscar-winning film na ‘Parasite.’

Natagpuang walang buhay ang aktor sa loob ng kanyang kotse na nakaparada sa isang parke sa Seoul.

Nakita ang charcoal briquette sa loob ng sasakyan ni Sun-Kyun, kalakip ang isang papel na hinihinalang suicide note.

Wala pang kumpirmasyon ang mga pulis patungkol sa ikinamatay ng naturang aktor.

Nagsimula ang karera ni Sun-Kyun sa show business noong 2001, at lumabas na rin ang aktor sa 40 na pelikula at 25 na Korean drama.

Pumanaw si Lee Sun-Kyun sa edad na 48.