-- Advertisements --
KALIBO, Aklan — Prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Malay na mabakunahan ng donasyong 40,000 doses ng Sinovac vaccine ang mga tourism workers sa isla ng Boracay.
Ayon kay acting Malay Mayor Floribar Bautista nasa 4,000 mga manggagawa sa isla ang maaring maging vaccine beneficiaries bilang bahagi ng paghahanda sa pagbubukas ng Boracay sa international tourists.
Aniya inilalagay na nila sa ayos ang lahat para sa pagdating ng bakuna anumang araw simula ngayon kasama na ang simulation exercise, vaccination sites at mga itatalagang inoculators.
Umaasa si Mayor Bautista na ang pagbubukas sa mga dayuhang turista ang magpapalakas sa muling pagbangon ng sektor ng turismo sa isla.