ILOILO CITY – Balik na sa face-to-face ang Iloilo Paraw Regatta Festival sa Iloilo City
Ang Paraw Regatta ay isang taunang pagdiriwang tuwing buwan ng Marso sa Arevalo Iloilo city.
Ito ay sang paligsahan ng mga bangka na dumadaan sa Iloilo Strait, na nagtatamapok ng Paraw-isang dobleng katig na gawa sa Bisayang layag ng bangka.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay John Lex Espinosa Bayombong, chairman ng Paraw Regatta sa ilalim ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated, sinabi nito na matapos ang tatlong taon na pagkansela ng festival dahil sa pandemya, balik na ngayon ang pinakalumang tradisyonal na kaganapan sa Asya, at ang pinakamalaking kaganapan sa paglalayag sa Pilipinas.
Ayon kay Bayombong, ngayong taon, ang ika-50 taong selebrasyon ng Paraw Regatta kung saan maraming mga aktibidad ang aabangan.
Aabangan rin anya ang pagbabalik ng Lechon festival.
Maliban dito, aabangan rin ang Paraw Photo Contest, Miniature Paraw Making Contest, Pinta sa Paraw Mural Making Contest, Paraw Job Fair, Slalom Race, Pinta Layag, Beach Volleyball, Sinamba de Regatta, Pinta Tawo, at Lighted Paraw Contest.
Magsisimula ang Iloilo Paraw Regatta Festival sa Marso 12 hanggang 19.