-- Advertisements --

Patay ang isang pulis at pari ng atakihin ng mga armadong suspek ang synagogue at simbahan sa Derbent City ng Dagestan province.

Sinabi ni Dagestan Public Monitoring Commission Chairman Shamil Khadulaev, na may koordinasyon ang pag-atake sa dalawang lugar.

Nasawi si Father Nikolay sa simbahan sa Derbent matapos na gilitan ang leeg ng 66-anyos na pari.

Maging ang guwardiya ng simbahan ay kanilang binaril.

Sinunog pa ng mga suspek ang synagogue kung saan isang pulis na rumesponde ang napatay ng mga suspek.

Patuloy na nilang kinikilala ang mga suspek at naglunsad na sila ng operasyon para maaresto ang mga suspek.