-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nananabik na para sa kanyang bagong angkin na propesyon si Catholic Reverend Father Hawthorne ‘Bong’ Galas ng Society of Saint John Vianney (SSJV) congregation upang pagsilbihan ang mga parokyano ng Archdiocese ng Cagayan de Oro.

Ito ang paglalahad ni Father Galas nang magpaulak ng panayam sa Bombo Radyo matapos ang ilang araw na paglabas ng bar exam results ng taon.

Kuwento ng pari na abogado na rin na hindi madali ang tinahak nito dahil umaabot pa ng tatlong bar exams bago ito pumasa.

Pag-amin nito na nawalan na rin ito ng pag-asa kaya hindi na pinilit na maging abogado pa.

Subalit mismo si Most Reverend Jose Cabantan,D.D na kasalukuyang arsobispo ang humikayat sa kanya na mag-rebyong muli kaya sumang-ayon na ang pagkakataon at tuluyang naging abogado.

Magugunitang na-ordinahan pagka-pari si Galas taong 2007 at kabilang sa naging trabaho ay ang pagharap ng mga parokyano na mayroong mga isyung legal kaya nagbigay daan ito sa kanya para mag-abogado.