-- Advertisements --

Halos 70 na ang mga pari na namamatay dahil sa deadly virus sa bansang Italya.

Sa ngayon nasa nasa 67 na ang mga Italian priest ang nahawa sa coronavirus pandemic mula nang magsimula itong lumaganap noong nakaraang buwan.

Kabilang sa pinakabatang namatay na pari mula sa simbahang Katolika ay nasa edad na 53-anyos lamang.

Lumabas naman ang impormasyon mula sa Avvenire newspaper na 22 sa mga namatay na pari ay nagmula sa Bergamo diocese, na nasa sentro mismo ng COVID outbreak.

Ang naturang lugar ay hindi kalayuan sa financial center ng Italya na siyudad ng Milan.

Kamakailan lamang ay pinalakas ni Pope Francis ang loob ng mga kaparian sa buong mundo na sa gitna ng mga lockdown, dapat maging matapang pa rin sila na harapin ang mga maysakit na nangangailangan ng ispiritwal na suporta.