-- Advertisements --

DAVAO CITY – Iniimbestigahan na ngayon ng otoridad ang pagkamatay ng isang pari matapos na umakyat ito sa Mt. Apo nitong nakaraang araw.

Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, umakyat ang 51 anyos na pari na nakilalang si Fr. Oscar Novem Enjaynes sa nasabing bundok kasama ang mga climbers at iba pang indibidwal na mga taga-Digos.

Sinasabing bigla na lamang umanong nawalan ng malay ang pari pagdating sa Sitio Upper Paradise matapos ang apat na oras na paglalakad.

Ayon pa kay John Sevilla, chief for operations and warning ng Digos CDRRMO, maliban sa nawalan ng malay, namutla na rin ang pari dahilan kaya nagsagawa agad sila ng CPR dito ngunit nawalan na ito ng pulso.

Pahirapan rin umano ang pagbaba nila dahil sa sobrang putik sa lugar matapos ang matinding pag-ulan.

Nagpaabot naman ng kanilang pakikiramay ang Colegio de San Juan de Letran at iba pang mga paaralan na pinagsilbihan nito sa sinapit ng pari.