-- Advertisements --

Sinuspinde na ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula si Fr. Alfonso Valeza, ang pari sa St Joseph Parish, Tondo Manila, na nasangkot sa alitan kontra kay Novaliches Bishop Antonio Tobias.

Batay sa statement ni Cardinal Advincula, si Fr. Valeza ay suspendido muna sa paghawak ng kanyang mga priestly activities dahil sa kanyang ‘persistent defiance’ laban sa arsobispo ng Manila.

Samantala, papalit muna sa iiwan nitong parokya si Fr. Reginald Malicdem.

Una nang sinabi ni CBCP spokesperson Fr. Jerome Secillano na nagkaroon lamang ng hindi pagkakaintindihan sina father Alfonso Valeza at Novaliches Bishop Antonio Tobias.

Ang naturang isyu ay naging paksa na rin ng mga diskusyon sa iba’t-ibang forum sa internet, bagay na umani ng samu’t-saring reaksyon.