-- Advertisements --

Tuluyan ng kinansela ng pop singer Madonna ang kaniyang dalawang concert sa Paris dahil sa banta ng coronavirus.

Nakatakda sana sa March 10 at 11 ang huling Madame X world Tour sa Paris subalit ipinagbawal sa France ang pagsasagawa ng mga malalaking pagtitipon para hindi na kumalat na ang virus.

Nagsimula ang concert ng singer sa New York noong Setyembre na sinundan sa Chicago, San Francisco, Las Vegas, Los Angeles, Boston, Philadelphia, Miami, Lisbon at London.

Noong Pebrero 22 ay nagsagawa ng isang gabing concert ang 61-anyos na singer sa Grand Rex sa Paris pero hindi ito natapos dahil umano sa injury nito.