-- Advertisements --

Ngayon pa lamang ay excited na si Paris Hilton na maging official wife ng entrepreneur na si Carter Reum.

Kasabay kasi ng kanyang 40th birthday ay ang pag-alok na ng kasal ng kanyang boyfriend, bagay na “best birthday surprise” na natanggap ni Paris.

Kuwento ng “Stars are Blind” singer, hindi nito inakala na special trip pala ang pinlano ng kanyang husband to be sa isang tropical paradise kung saan matapos ang dinner sa beach ay dinala siya nito sa cabin at doon na bumungad ang “marry me” set up.

Paris Hilton engage 2
“I said yes, yes to forever ❤️ There’s no one I’d rather spend forever with.”

“My fairytale dream came true!”

Nabatid na pang-apat na beses na ito na naging engaged ni Hilton kung saan kabilang sa mga nauwi lamang sa hiwalayan ay ang engagement nito sa modelong si Jason Shaw, heir Paris Latsis, at aktor na si Chris Zylka.

Tinatayang $2 million ang halaga ng bagong engagement ring ng “The Simple Life” star.

Taong 2019 nang magsimula ang love story nila ni Carter.

“He accepts me for who I am and encourages me to show my true self. I’m eternally greatful to have him in my life.”