-- Advertisements --

Sasabak na mamayang alas-9:30 (Aug 3) si Filipino gymnast Carlos Yulo sa kanyang paboritong Men’s Artistic Gymnastics event – Floor Exercise.

Ang magiging laban ng Pinoy gymnast ay ang finals ng naturang event kung saan nagtapos siya sa pangalawang pwesto noong qualifications at nagrehistro ng 14.76 points.

Ang Floor Exercise ay ang signature event ni Yulo kung saan hawak na nito ang ilang mga gintong medalya sa naunang pagsabak sa mga international competition katulad ng Asian Artistic Gymnastics Championships at Southeast Asian Games.

Siya ang paboritong mag-uwi ng gintong medalya sa ilalim ng naturang event, kasunod na rin ng mga prediksyong inilabas ng mga international sports analysts.

Maalalang nabigo si Yulo sa All-Around finals at nagtapos lamang siya sa ika-12 pwesto.

Bukas, sasabak naman si Yulo sa Vault finals.