Sasabak sa do-or-die game ang Team Greece na pinamumunuan ni NBA champion Giannis Antetokounmpo kontra sa Team Austalia.
Ang manalo sa naturang laban ang tanging pag-asa ng Team Greece upang umusad pa sa ikalawang round ng Olympics 5X5 Men’s basketball.
Ang tyansa ng naturang team ay dedepende rin sa magiging panalo:
Una, kailangang maipanalo ng Team Greece ang laban at magwagi ng kahit man lang tatlong puntos. Ang naturang puntos ay sapat na upang maungusan nito ang point differential nila ng Australia na nanalo ng 12 points laban sa Spain ngunit natalo ng 10 points laban sa Canada. Dapat ding tambakan ng Canada ang Spain sa magiging tapatan nila.
Kung mangyayari ito, agad na papasok ang Team Greece sa 2nd spot at uusad sa susunod na elimination.
Kung matatalo naman ang Canada sa Spain at manalo ang Greece laban sa Australia, makukuha ng Greece ang 3rd spot sa Group A.
Sa ilalim ng sinusunod na regulasyon ng Paris Olympics, ang best 2 teams sa bawat grupo ang uusad sa susunod na elimination. Pero uusad din ang dalawang best 3rd team.
Maaaring makuha ito ng Greece, kung makakagawa ng magandang performance laban sa Boomers ngayong araw.
Gaganapin ang laban ng Greece at Australia mamayang 7:30 ng gabi habang ang ang laban ng Canada at Spain ay nakatakda naman mamayang 11:15 PM.