Sinubukang isabotahe ng ilang katao ang high-speed rail network ng France ilang oras bago ang pagsisimula ng tinaguriang “biggest show on Erath” na Paris Olympics 2024.
Kabilang sa ginawa ng mga suspek ay pag-atake sa pamamagitan ng pag-susunog na nagdulot ng pagka-abala sa sistema ng transportasyon.
Sa inisyal na ulat, lumalabas na coordinated action ito para talagang i-sabotahe ang malaking okasyon.
Naapektuhan ng pag-atake ang Atlantic, northern, at eastern lines nito.
Pero ang southeastern line ay hindi naapektuhan dahil napigilan ang mga suspek.
Ang mga pag-atake ay naganap habang ang Paris ay nasa ilalim ng matinding seguridad bago ang seremonya ng pagbubukas ng Summer Olympics, kung saan inaasahan ang 300,000 manonood at isang audience ng mga VIP.
Ang parada sa Biyernes ng gabi ay magpapakita ng hanggang 7,500 mga atleta na maglalakbay sa anim na kilometrong bahagi ng Seine River sa pamamagitan ng 85 na mga bangka.
Ito ay unang pagkakataon na ang Summer Olympics ay magbubukas sa labas ng pangunahing stadium, ngunit nangangahulugan naman na puno ito ng security concerns dahil sa banta ng mga terorista.