-- Advertisements --

Inaabangan na ng maraming mga basketball fans ang magiging laban ng defending champion Team USA at Team Brazil sa quarterfinals ng men’s 5X5 basketball sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

Nakatakdang magharap ang dalawa sa knockout game bukas ng madaling araw (Aug 7, 3:30AM).

Hawak ng team USA ang malinis na record sa group stage matapos magawang talunin ang lahat ng team na nakahanay nito.

Ito ay pinamumunuan ng mga batikang superstar ng NBA katulad nina LeBron James, Steph Curry, Anthony Davis at Kevin Durant na 3-time gold medalist.

Ang naturang team ay kinikilalang pinakamagandang team na nabuo ng USA Basketball mula noong dream team ni NBA champion Michael Jordan.

Sa panig ng Brazil, pinangungunahan ito ng mga magagaling na shooter katulad nina Leo Meindl, Raul Neto, at NBA player na si Gui Santos.

Samantala, maliban sa USA vs Brazil, nakatakda rin ang laban ng France kontra Canada bukas (12AM).