-- Advertisements --
Hindi nakalusot sa global outage na narasan ang Paris Olympics.
Ayon sa organizers na naapektuhan ang kanilang IT operations na siyang nasa likod ng accreditation system na nagbibigay ng mga badges para sa opening ceremony sa Hulyo 26.
Maaring maantala din ang pagdating ng mga atleta dahil naapektuhan ng nasabing outage ang maraming paliparan sa buong mundo.
Nagpakalat na sila ng mga technical teams at kanilang pinagana na ang contingency plans para hindi maantal ang kanilang operasyon.
Magugunitang inamin ng kumpanyang Microsoft na kanilang inaayos na ang nasabing problema at maging ang cybersecurity company na CrowdStrike ay gumagawa na ng hakbang para maayos ang nasabing problema.