Naghahanda na ang mga Olympic organizer para sa magiging debut ng bagong Olympic sports na tinawag na ‘Breaking’ o ‘Breakdance’
Ang naturang Olympic sport ay magbubukas ng dalawang events: isa para sa mga kababaihan na tatawaging B-girls, at isa sa mga kalalakihan na tatawaging B-boys.
Ayon sa mga organizer, ang bawat event ay paglalabanan ng 16 contestants na isa-isang maghaharapan. Ang mga ito ay sasayaw at sasabay sa musikang ipapatugtog ng isang disk jockey(DJ).
Titingnan dito ang skills ng mga contestant sa pamamagitan ng iba’t-ibang breakdance steps, katulad ng windmill, six-steps, freezes, at iba pa.
Ang evaluation ng mga judge ay ibabatay sa anim na criteria: creativity, personality, technique, variety, performativity, at musicality.
Bago ang pagkaka-kwalipika ng mga ito sa Paris Olympics, dumaan muna ang mga olympian sa tatlong magkakaibang world competitions
Una ay ang 2023 World DanceSport Federation (WDSF) World Championships; pangalawa ay ang continental championship, at panghuli ay ang apat na buwang Olympic Qualifier Series.
Bago nakapasok sa Olympic Games, unang binuksan ang Breaking sa Summer Youth Olympic Games sa Buenos Aires noong 2018.
Dahil agad naging hit ang naturang laro ay marami ang humirit na gawin na itong regular sports sa Olympics hanggang sa tuluyang pumayag ang International Olympic Committee.
Ayon sa mga organizer, gaganapin ang Breaking sa August 9 at 10 sa Place de la Concorde