-- Advertisements --

Muling masisilayan ang bandila ng Pilipinas sa opisyal na pagbubukas ng Paris Olympics kasabay ng opening ceremony mamayang 1:30 ng madaling araw ng Hulyo 27.

Magsisilbing flag bearer ng Pilipinas ang dalawang silver medalist noong Tokyo Olympics na sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa ang opening ceremony ng Olympics sa labas ng stadium.

Ang ‘Parade of Nations’ ay isasagawa sa sikat na Seine River kung saan inaasahang daan-daang libong katao ang manunuod.

Sasamahan naman ng ilang mga Filipino Olympian ang dalawang flag-bearer ng bansa.