-- Advertisements --

Loops:

Sasabak na sa Preliminary round of 16 ngayong araw si Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam para sa Men’s Boxing 57kg.

Nakatakda ang kanyang laban mamayang 9:30 ng gabi, oras sa Pilipinas sa North Paris Arena.

Makakalaban ng Pinoy boxer ang pambato ng Ireland na si Jude Gallagher.

Si Paalaam ay isa sa mga inaasahan ng Pilipinas na magbubulsa ng medalya ngayong Olympics kasunod ng naging maganda nitong performance sa nakalipas na Tokyo Games.

Maliban sa Tokyo Olympics silver medal, hawak din ni Paalam ang dalawang gintong medalya sa Southeast Asian Games at isang gintong medalya sa Asian Championships.

Samantala, ang kanyang makakalaban na si Gallagher ay gold medalist sa sinalihang 2022 Commonwealth Games sa ilalim ng Flyweight division.