-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Kinansela lahat ng mga misa at religious activities sa St. Thomas Aquinas sa San Mariano, Isabela at sa mga barangay matapos magpositibo sa COVID-19 ang kanilang parish priest.

Kinumpirma sa Bombo Radyo Cauayan ni CV425, isang parish priest, 56, ng Zone 1, San Mariano, Isabela na nagpositibo siya sa virus.

Sinabi ni CV425 na nakasuot naman siya ng facemask at face shield nang magsagawa siya ng concelebrated funeral mass sa Naguillian, Isabela noong July 22, 2020.

Sinabi niya na tumagal lamang ng isang minuto ang pakikipag-usap niya sa isa sa mga naunang nagpositibo sa COVID-19 sa Naguillian, Isabela.

Nananatiling namang asymptomatic ang nasabing pari.

Nagsasagawa na ng contact tracing para matukoy ang mga nakasalamuha ng naturang parish priest.