-- Advertisements --
Binuhat ni Ray Parks ang ang TNT Tropang Giga para talunin ang Terrafirma 112-101 sa PBA Philippine Cup sa Pampanga.
Nagtala kasi ng 40 points, 10 reboudns at limang assists si Parks.
Ikinatuwa naman ni TNT head coach Bong Ravena ang ipinamalas na laro ng koponan dahil sa mula sa umpisa ay naging malakas sila.
Nag-ambag naman ng 20 points at 15 rebounds si Troy Rosario para sa TNT.
Magugunitang nitong Linggo ay nagtala ng 45 points career-high si Roger Pogoy ng TNT.