Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. bilang deputy director-general ng National Security Council.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Parlade kahapon, Setyembre 8.
Ayon kay Sec. Roque, naging tapat si Parlade sa paninilbihan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ng maraming taon hanggang nagretiro kaya kumpiyansa silang kaya malaki ang maitutulong nito sa pagbuo ng mga plano at polisiya na makakaapekto sa national security.
Si Parlade ay isa sa mga naging spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Naging kontrobersyal ito dahil sa mga pahayag na nag-uugnay sa ilang personalidad sa mga komunista o red tagging.
“Deputy Director-General [DDG] Parlade faithfully served the Armed Forces of the Philippines for many years until his retirement from the service. We are therefore confident that his length of fruitful service in the military would immensely contribute to the crafting of plans and policies affecting national security,” ani Sec. Roque.