-- Advertisements --

Nabulabog muli ang mga bumbero ng South Africa matapos ang pagsiklab ng sunog sa House of Parliament.

Naganap ang nasabing pagkakasunog ilang oras matapos na ideklara itong under control.

Nagsimulang lumaki ang sunog sa bubong ng gusali.

Unang nagsimula ang sunog nitong linggo na nagresulta sa pagkakasira ng National Assembly o ang lower chamber.

Naaresto na rin nila ang suspek na siyang nasa likod ng pagsunog ng gusali.