-- Advertisements --
Umani nang batikos mula iba’t ibang mga members of parliament ang desisyon ni British Prime Minister Boris Johnson na suspendihin ang parliyamento para hindi sila makakontra sa no-deal Brexit.
Dahil dito, ilang libong katao ang nagprotesta sa London, Manchesters at ibang mga lugar matapos na aprubahan ni Queen Elizabeth II ang hiling ni Johson na Parliament suspension.
Ayon sa mga nagsagawa ng kilos protesta wala na o patay na ang demokrasya sa Britanya.
Isasagawa kasi ang suspension dalawang linggo bago ang itinakdang Brexit o ang tuluyang pagkalas ng United Kingdom sa European Union.