Ipinagpaliban ng isang taon ng gobyerno ng Hong Kong ang kanilang halalan dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng coronavirus.
Gaganapin sana sa Setyembre ang parliamentary election subalit dahil sa nakaranas sila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay nagpasya sila na ipagpaliban na lamang ito.
Binatikos naman ito ng mga nasa oposisyon at sinabing ginagamit lamang umano ang pandemic para pigilan ang mga tao na bumuto.
Umaasa kasi ang mga opposition activist na makukuha nila ang majority ng Legislative Council kahit na pinagbawalan ng gobyerno ang pagtakbo sa halalan NG 12-pro democracy candidate.
Noong nakaraang taon kasi ay nakuha ng pro-democracy party ang maraming puwesto sa parliamentary sa kabuuang 17 out of 18.
Ayon naman kay Chief Executive Carrie Lam, na kaniyang iinvoke ang emergency powers para ipostpone ang halalan at tinawag nito na mahirap ang nasabing desisyon.
Paglilinaw din nito na ibinase niya ang desisyon sa kaligtasan ng publiko at hindi nito hinaluan ng pamumulitika.