-- Advertisements --

Sinentensiyahan ng habang buhay na pagkakakulong ang anak ng pinaslang na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, Sr. dahil sa kasong may kinalaman sa ililgal na droga.

Hinatulang guilty ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 79 si Reynaldo Parojinog, Jr. sa kaso nitong illegal possession of drugs. Bukod dito, pinagbabayad din ito ng multang P500,000.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Senior Asst. State Prosecutor Juan Pedro Navera patunay ito na patas ang kagawaran sa paghawak ng mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

“This case shows again the resolve of the DOJ to prosecute all drug lords, whether entrenched crime families or small time peddlers.”

Kung maaalala, kasamang naaresto ng nakababatang Parojinog ang kapatid nitong si dating Vice Mayor Nova Princess kung saan nahulihan umano ang mga ito ng mga pinaghihinalaang shabu, P1.4-milyong cash at ilang armas.