-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas ng bagong album ang bandang Parokya Ni Edgar.

Sa social media account ng kanilang lead vocalist na si Chito Miranda, papangalanan nila ang bagong album na “Borbolen”.

Ang nasabing album ay kasunod ng huling album nilang “Pogi Years Old” na inilabas limang taon na ang nakakaraan.

Kuwento pa nito na ang ilang kanta ay ginawa nila ngayong panahon ng pandemiya.

Kasama rin dito ang kanta na hindi nailabas sa dati nilang album na “Bigotilyo” noong 2003.

Magiging available aniya ang kanilang album sa lahat ng mga digital platforms.