-- Advertisements --

Ibinahagi ng mga miyembro ng Parokya ni Edgar band ang pinakahuling kalagayan ng gitarista nilang si Gab Chee Kee.

Sa social media post ng banda nitong Araw ng mga Puso, ay nagbahagi sila ng larawan ng gitarista.

Nasa pagamutan ang nasabing gitarista matapos na ma-diagnosed ito ng lymphoma na isang uri ng cancer na umatake sa lymphatic system.

Ayon sa grupo na kasalukuyan pa rin ito ng nasa ICU at patuloy na bumubuti ang lagay ng kalusugan nito.

Nanawagan din ang grupo na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa tuluyang paggaling ng kanilang ka-banda.