Idinaraos ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang paSTARan 2023 sa Hongkong, ngayong bisperas ng Pasko.
Ang paSTARan ay isang patimpalak ng mga parol na taon-taong ginagawa ng mga OFW sa Hongkong, sa pinangungunahan ng Consulate General of the Philippines sa naturang bansa.
Gawa sa recycled materials ang mga parol na isinasabak sa parol-making contest.
Gaganapin ang exhibit at awarding ceremony sa Christmas Center, Kennedy Town na isa sa mga sentro ng Christmas displays sa Hongkong.
Apat na papremyo ang maaaring mapanalunan ng mga kalahok: Grand prize na nagkakahalagang 5,000 Hongkong dollars o halos Php35,400; 1st runner-up na may katumbas na Hkd3,000 o mahigit Php21,200; at 3nd runner-up na may halagang Hkd2,000 o mahigit Php14,100.
Mananalo naman ng People’s Choice Awards na nagkakahalaga ng Hkd1,000 o mahigit Php7,000 ang pinaka maraming social media reactions mula sa post ng mga parol.
Magtitipon-tipon ang Filipino community ng Hongkong para sa Misa de Aguinaldo pagtapos ng gabi ng parangal ng paSTARan 2023, bilang pagsalubong sa Pasko.
Photo courtesy from Philippine Consulate General in HK official social media page.