-- Advertisements --
Umabot sa mahigit dalawang oras bago tuluyang maapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa bahagi ng Fisher Mall sa Quezon Ave., Quezon City, Kagabi.
Nagsimula ang sunog ng 11:05 ng gabi sa receiving area ng gusali.
Itinaas pa ng BFP sa ikatlong alarma ang nasabing sunog bago ito tuluyang maapula.
Sinabi ni Fire Chief Insp. Joseph Del Mundo ng BFP Quezon City, nagsimula ang sunog sa isang puwesto na may isinasagawang pagpuputol ng mga bakal.
Nakarinig naman ng pagsabog ang ilang mga residente sa lugar.