-- Advertisements --
image 119

Patuloy ang pagberipika ng mga awtoridad kung parte ng katawan ng isa sa nawawalang pasahero ng nasunog na M/V Lady Mary Joy 3 noong Marso 29 ang natagpuang nakalutang sa katubigan ng Basilan.

Noon kasing hapon ng araw ng linggo, narekober ang ibabang parte ng katawan ng isang lalaki matapos itong makita ng isang residente sa may Sitio Kawkan, Barangay Sulutan Matangal sa bayan ng Mohammad Ajul.

Ayon sa provincial information officer na si Richard Falcatan, ang naputol na bahagi ng katawan ng biktima ay nasa advanced state of decomposition na.

Una ng kinumpirma na nasa 32 pasahero ang nasawi kabilang ang 16 na sunog na mga bangkay ang narekober miula sa barko.

Ayon pa sa basilan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na ang 16 na hindi pa natukoy na mga sunog na mga labi ay maaaring ikinonsiderang kabilang sa 19 na pasahero na napaulat na nawawala.

Samantala, nagbigy na ang pamahalaang panlalawigan ng financial assistance sa mga pamilya ng mga biktima.