-- Advertisements --
Photo: Manila PIO

Bumigay ang parte ng ginagawang Skyway sa Pandacan, Manila dahil sa grabeng sunog sa nasabing lugar.

Itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang alerto sa Task Force Bravo, dahil sa laki ng sakop ng apoy.

Sinasabing nag-umpisa ang sunog kaninang 10:38 ng umaga sa warehouse ng isang plastics plant sa ilalim ng San Miguel Yamamura Packaging Corporation.

Photo: Manila PIO

Pero hindi pa mabatid ng mga otoridad ang naging sanhi nito.

Tumutulong na rin maging ang mga bombero mula sa ibang mga lungsod, pati na ang fire volunteers na malapit sa lugar.

Kinordon na ang mga kalsadang malapit sa lugar hindi na maharangan ang mga sasakyan ng BFP at rescuers.