Inamin ng North Korea na partial lifting lang sa mga sanctions ang hinihiling sana nila kay US President Donald Trump.
Sa isang pambihirang press conference nitong araw ni Foreign Minister Ri Yong Ho, sinabi nito na handa naman silang payagan ang mga US experts na personal na magtungo sa North Korea upang makita ang pag-dismantle sa uranium and plutonium production facilities sa kanilang nuclear site.
Pero ang kondisyon nila ay tanggalin muna ng Amerika ang partial economic sanctions.
Ang mga sanctions na ito ay nagiging hadlang upang pagandahin pa ang ekonomiya ng North Korea at pagyamanin ang kabuhayan ng mga mga tao rito.
Ngunit ayon sa ilang mga analysts na itinuturing pa rin ng mga taga-Pyongyang ang mga nuclear weapons upang panakot at panghatak nila ng atensiyon.
Kung maaalala, umalis kahapon ng Vietnam si President Trump na walang napirmahang kasunduan kay North Korean leader Kim Jong Un.