-- Advertisements --
Kuwait PH DFA embassy ofw

Maaari na umanong pumunta ng Kuwait maging ang mga returning household workers matapos tanggalin na ang partial deployment ban.

Una rito, iniulat ni Labor Secretary Silvestre Bello III na puwede nang makabalik sa kanilang mga Kuwaiti employers ang mga skilled, semi-skilled at professional workers.

Ayon pa kay Bello, ang partial lifting sa deployment ban ay resulta sa nabuong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait na magkaroon ng standard employment contract para sa mga overseas Filipino workers (OFW).

Sa kabila nito, hindi pa rin papayagan ang mga newly-hired at mga returning household workers na sakop naman ng partial ban.

Samantala pabor naman ang Trade Union Congress of the Philippines na hindi muna papayagan ang hiring ng mga bagong household service workers dahil sila ang nakakaranas ng mga pang-aapi sa kanilang mga employers.

Liban dito, mahalaga aniyang magkaroon din ng hustisya sa pagpatay kay Jeanellyn Villavende sa Kuwait.