DAVAO CITY – Doble ngayon ang ipinatupad na seguridad sa Davao region matapos makumpirma na isang taga-Davao region ang nagpositibo sa COVID-19 ang kasalukuyang naka-confine sa Department of Health Davao Center for Health Development (DOH-DCHD).
Una nang napag-alaman na ang 21-anyos na patient PH130 na taga-Davao de Oro ay galing ng United Kingdom kung saan nakumpirma sa laboratory results ito sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM).
Sinasabing mula ito sa United Kingdom at nag-lay over via Doha, Qatar patungong Manila at Davao noong Pebrero 29, 2020.
Nagpa-check up ang pasyente dahil sa kanyang ubo hanggang sa isinailalim sa isolation noong Marso 9, 2020.
Tiniyak naman ng DOH-DCHD sa publiko na gagawin nila ang mga hakbang para lamang maiwasan ang local transmission ng virus.
Dahil dito, nagpatupad ngayon ng partial lockdown ang lungsod ng Tagum at Davao para masigurong hindi kumalat ang virus sa ilang lugar sa Davao region.