-- Advertisements --
Bigo ang sky watchers na makita ang partial lunar eclipse sa malaking bahagi ng Pilipinas kaninang madaling araw dahil sa makapal na ulap na dala ng bagyong Falcon at hanging habagat.
Ayon sa Pagasa astronomical division, nangyari ang phenomenon mula alas-2:42 ng madaling araw hanggang alas-8:19 ng umaga.
Habang ang greatest eclipse nito ay sa ganap na alas-5:30 ng umaga.
Ang partial lunar eclipse ay ang pagtatakip ng anino ng mundo sa bahagi ng buwan, kung saan pansamantalang nababalot ito ng dilim.
Kaya naman, ilang paniniwala ang lumilitaw sa ganitong panahon, subalit para sa mga eksperto, walang basehan na iugnay ang ganitong phenomenon sa awayan ng mga bansa at pagdating ng mga kalamidad.