LA UNION – Hindi sang-ayon ang ilang mga Pilipinong nagtratrabaho sa bansang Kuwait sa pagpapatupad ng total deployment ban ng pamahalaan ng Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Jovelyn Viernes na nagtratrabaho sa nasabing bansa, sinabi nito na hindi naman lahat ng amo doon ay minamaltrato ang mga foreign workers.
Halimbawa na lamang aniya rito ay ang kanyang among pinagsisilbihan na napakabuti naman ang pakikitungo.
Nais umano ng mga kapwa niya Pilipino na nasa Kuwait na ipatupad na lamang ang partial deployment ban kaysa sa total deployment ban.
Sabi pa ni Viernes, dapat ding ikonsidera ng pamahalaan ng Pilipinas na maaari silang mawalan ng trabaho kung uuwi sila ng bansa.
Hinihiling din nito na kailangan ang regular na monitoring na isinasagawa ng mga recruitment agencies at ng embahada upang maiwasang mapahamak ang mga kababayan na nagtratrabaho doon.